Ang ganda ng ngiti ni Marian Rivera nang dumating siya sa story conference para sa kanyang gagawing primetime series sa GMA-7, ang Amaya. Ginanap ang storycon last Wednesday, February 16, sa 17th floor ng GMA Network Center.
Isang epic drama ang Amaya na noong kalagitnaan pa ng 2010 nai-present ang istorya at konsepto. Gaganap si Marian sa title role bilang si Amaya, isang tribe princess na biniyayaan ng pambihirang kapangyarihan na magiging tagapagligtas ng kanyang lahi.
Matagal na raw pinaghandaan ni Marian ang kanyang role sa Amaya. Nagpapayat nga raw siya dahil alam niyang magiging physically demanding ang kanyang gagawin sa serye.
Ang huling primetime series na pinagbidahan ni Marian ay ang Endless Love kunsaan nakatambal niya ang kanyang real-life boyfriend na si Dingdong Dantes.
Naging guest siya noong December sa Krismaserye ni Jillian Ward na Jillian: Namamasko Po! at tuluy-tuloy pa rin naman ang kanyang sitcom na Show Me Da Manny.
Kaya sobrang excited si Marian na masimulan na ang Amaya dahil nami-miss na raw niya ang mag-taping para sa isang series.
"Oo nga, e, na-miss ko ang mag-taping. Medyo nakapagpahinga naman tayo nang matagal para maging ready tayo for Amaya. Kita n'yo naman, nag-diet pa ako para lang maging fit ako para sa pagsisimula ng show na ito," nakangiting sabi ni Marian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
MOST EXPENSIVE. Isa sa pinakamalaking primetime series ng GMA-7 ang Amaya. Sa set, costumes, at locations na lang nila ay alam mong sobrang laki ang budget nito. Ito na nga ang masasabing "most expensive primetime series" na gagawin ni Marian sa Kapuso network.
Ani Marian, "Nalula nga ako sa laki ng project. Hindi ko inaasahan na gano'n pala kabongga ang lahat. Kasi malalaki ang set na gagawin, tapos ang daming costumes at props na gagamitin. Tapos, ang laki pa ng cast.
"Parang pinagsama-sama mo ang mga nagawa ko nang malalaking shows sa GMA-7 tulad ng Marimar, Dyesebel, at Darna. Gano'n kalaki ang Amaya kaya nakakakaba ang magiging expectations ng maraming tao.
"Pero positive naman ako, e. Alam ko na lalabas na maganda ito at magtutulung-tulong kaming lahat para mabigay namin ang kagandahan ng istorya ng Amaya."
byTalmage | December 22, 2010 | Credit to GMA Network, Inc. [GMA7] for the video material used.
MARIAN'S LEADING MEN. Dalawa ang leading men ni Marian sa Amaya: ang award-winning young actor na si Sid Lucero at ang commercial and print model-turned-actor na si Mikael Daez.
Natuwa si Marian nang makasama niya sa story conference ng Amaya ang dalawang lalake na makakatrabaho niya.
"Silang dalawa yung talagang napili namin para sa roles nila sa Amaya. Kailangan kasi ay bagay sila sa roles nila. Kaya medyo natagalan kami sa paghanap ng makakapareha ko dahil gusto namin ay bagay talaga.
"Nag-screen test na rin kami at okey lumabas. First time ko silang makakatrabaho at excited ako na bago ang mga leading men ko sa new project natin," saad ng aktres.
Balitang gusto sana ni Marian na si Dingdong pa rin ang makapareha niya sa Amaya. Pero imposible ito dahil may nasimulan nang ibang show si Dingdong.
"Mas okey kung si Dong pa rin, di ba? Kaso nasimulan na nga ni Dong ang I ♥ You Pare at kakatapos lang nga namin ng Endless Love.
"Okey lang na maghiwalay muna kami. Kay Ate Regine [Velasquez-Alcasid] muna siya ipapareha. In real life naman, parati naman kaming magkasama. Ang ganda, di ba?" sabay tawa pa niya.
Ngayon pa lang ay ipinagdarasal na ni Marian ang tagumpay ng Amaya. Iba raw kasi ito sa mga nagawa na niyang mga series at huwag sanang manibago ang kanyang mga tagahanga sa makikitang pagbabago sa kanyang role.
"Alam ko na nasanay ang mga fans na nagda-drama ako, or isa akong character sa komiks. Tanggap na nga nilang komedyante na rin ako, e.
"Pero iba itong Amaya. Historical drama ito na marami silang matututunan habang pinapanood nila.
"Panibagong challenge sa akin ito at pinagpe-pray ko na maging successful ito at masulit ang matagal na paghihintay ng mga manonood sa Amaya," asam ni Marian.
Mula sa direksyon ni Mac Alejandre ang Amaya. Kasama rin sa malaking cast nito sina Glaiza de Castro, Gardo Versoza, Gina Alajar, Mon Confiado, Perla Bautista, Irma Adlawan, Daniel Fernando, Roy Alvarez, Ana Capri, Ayen Munji-Laurel, Rochelle Pangilinan, Mia Pangyarihan, Paolo Contis, Kristoffer Martin, Robert "Buboy" Villar, Sheena Halili, Roxanne Barcelo, AJ Dee, Rob Sy, Rocky Salumbides, at Lani Mercado. -
No comments:
Post a Comment